![]() |
Pagdating ng opisina, 'yun na nga, naiwan ko ang salamin ko. Ang sakit tuloy ng mata ko na nakatutok sa computer maghapon. At dahil dyan, tamad na tamad magtrabaho, sinusungitan mga aplikante, wala, alas dose pa lang gustong gusto nang umuwi.
Lahat 'yan ay isisisi ko sa ulan, 'di talaga ako natutuwa kapag umuulan. Hindi ko din alam kung bakit. Parang merong kung ano 'yang ulan na 'yan na nagpapalungkot sa akin. Oo na, napakadrama na, napaka babaw ko na, pero walang pakialamanan. Kanya kanya 'yan.
At isa pa, may mga bagay sa paligid na mahirap kontrolin, mga bagay na ibang tao lang ang may hawak. Mga bagay na nagpapahirap, nagpapalungkot. Kung ano man 'yon, ako lang ang nakaka-alam.
At kung tatanungin mo ko kung sasabihin ko, 'di ko alam. Tignan natin.
Naniniwala akong walang taong manhid, alam nila 'yon, nagmamaang maangan lang. Siguro dahil hindi din nila alam kung ano ang gagawin nila.
May mga bagay na dapat nang itigil, mga bagay na matagal ko na dapat ginawa pero nawalan ng lakas ng loob na gawin. Siguro ngayon, Oo. Subukan natin. Wala namang masama kung susubukan, pero 'pag wala pa din. Wala na lang sisihan.

"Naniniwala akong walang taong manhid, alam nila ‘yon, nagmamaang maangan lang. Siguro dahil hindi din nila alam kung ano ang gagawin nila.
ReplyDeleteMay mga bagay na dapat nang itigil, mga bagay na matagal ko na dapat ginawa pero nawalan ng lakas ng loob na gawin. Siguro ngayon, Oo. Subukan natin. Wala namang masama kung susubukan, pero ‘pag wala pa din. Wala na lang sisihan."
Ruru, mukang minsan may mga tao talagang sadyang manhid.D ko alam kung ganun ba talaga o sinasadya nilang magpakamanhid sa dahilang d ko din maintindihan. ang hirap maging duwag,kc d mo kayang ipaglaban yung nararamdaman mo, pero ang hirap ding maging matapang, lalo na kung alam mo naman talagang d ka mananalo sa pinaglalaban mo! *emo hahaha
ang emo mo talaga, nanghahawa ka. hehe
-jec
Ayos lang maging matapang kasi kaya mong harapin kung anong meron. Manalo, matalo atleast nalaman mo.
ReplyDelete-Ruru